Saturday, August 13, 2005

please stay...

hello... kanina as i was going down the stairs of LRT1 D. Jose station (uwi lang me from school.. nag LRT na me kasi gutom na me and gusto ko na rin makarating agad dito sa house) ... i have my music on... and the song i was listening to was stay... then this lines popped-up

So if you'd still go, i'll understand
Would you give me something just to hold on to?
And if you'll stay, ill hold your hand
Cause im truly, madly, crazily in love with you

i know the song na for so long and kanina ko lang talaga narinig sya ng ganun kalinaw to realize something... that was really the thing that i kept on telling Criela this past few days.. sa previous post ko lang di ba sabi ko nga miss na miss kita at alam ko naman na talagang di pa tayo nagkikita... at kung saka sakali man na di pa tayo magkikita for a long time or di na tayo magkikita kailanman, which i hope will not happen, sabi ko nga ok na rin basta... wag ka lang lalayo sobra... nasabi ko rin na ok lang kahit nandyan ka at nandito lang ako, kahit malayo ako sayo... basta nakikita lang kita... yun... at yun ngang song na stay really said it best particularly ung naka quote dyan sa taas... "would you u give me something just to hold on to?" alam mo yun... nararamdaman mo ba yun minsan sa taong mahal mo pero hindi mo makasama... yun bang kahit konti na lang contact nyo ok lang... basta meron... kahit konti, kumbaga ang gusto mong realtionship with the one you really love is "the best that it can get", kaya nga di ba kahit minsan wala kayong ginagawa, basta nandyan lang sya ok na... i mean that may not be the best that life can offer pero sabi ko nga noon... pag nakita mo na ang taong mahal mo... you will stop looking for the best... because you are already with the best.... kaya nga ngayon... alam ko na we dont really have a relationship naman, kasi nga di pa tayo nagkikita... pero alam ko na someday magkakaron din... kaya nga nagyon pa lang.. im always doing my best to prepare for that... it may never come... or it may... we never "really" know... pero sasabihin ko nga uli...

kapag nakita mo na ang taong mahal mo... you will stop looking for the best... because you are already with the best... you will just do your best to make the best out of what you have... it may get better... or worse... but in the end, what matters is not what you have... but what you did to get you where you are...

sana nga malapit na lang ako sayo nagyon.. sana nga isa na lang ako sa mga ka school mate mo.. or ka cue mo.. or perhaps close friend mo... pero nandito nga lang ako at nandyan ka... sana lang wag ka lalayo masyado.. mahal na mahal kita.. i really dont know what more to say... in fact i evn dont know if you will be able to read this... kaya nga di na me nag popost ng mga ganitp sa multiply at friendster kasi ayaw ko na rin masyadiong maging papansin pa... kaya kung mababasa mo to... nasa xanga lang to or blogspot... at kung nababasa mo man to... hindi ko rin alam kung naiintindihan mo to lahat... pero the days will come when these things will be opened right in front of us... kaya un.. until then.. ill just be here kaya sana dyan ka rin lang... ok? please wag ka lalayo sobra...

para akong isang batang umaasa na makuha at mahawakan ung laruan nya... nasa mataas na lugar iyon kaya hindi nya maabot... pero nakikita nya naman... hindi pa nya abot un at araw araw pinipilit nyang abutin yoon... naghihintay sya lagi at tinitingnan nya kung malaki na ba sya para maabot ang laruan nya... masakit para sa kanya ang pagtingin sa laruan na yun araw araw dahil para bang napakalapit lang noon pero hindi nya maabot... masakit kapag iniisip nya na baka kunin na iyon ng magulang nya at ilayo sa kanya at hindi nya nayun makita muli... napaka uncertain pero umaasa pa rin sya lagi kasi gusto nya yun... at sa ngayon ang tanging magagawa lang nya ay umasa na sana pag kaya na nyang abutin ang laruan nyang yun.. nandoon pa rin yung laruan na yun....

ingat ka lagi ha... good night and good morning

0 Comments:

Post a Comment

<< Home