Thursday, May 15, 2008

mario




ITONG GININTUANG ARAL NI MARIO

si mario ang idol ko.

kumakain ng gulay, pumapatay ng mga masasamang pagong,
hindi nalulunod, nakakasakay sa mga dinosaurs,
nakakapagbuga ng apoy,matinik sa tsiks, mayaman,
maraming buhay, lumilipad, mabilis, bibo, kayang
sumira ng hollow blocks gamit ang ulo at higit sa
lahat, napapatay niya ang mga kalaban hindi dahil sa
lakas ng katawan, ngunit dahil isa siyang astig na
nilalang.

para sa akin, nagawa na ni mario ang lahat.

umakyat siya ng mga matatayog na bundok, nilusob niya
ang mga haunted house na puno ng impakto, inaabot niya
ang ulap, nagsscuba diving, naninira ng mga kaharian.
ginawa na niya ang mga pwede pang gawin ng ibang mga
characters sa laro.

hindi lang si mario ang nagsilbing inspirasyon at ang
training ko sa paglalaro ng video games, pero kahit sa
buhay, siya ang naging idolo ko.

1) tinuruan ako ni mario kung paano magmahal.

baket ba parating hinahabol ni mario si koopa? isa
lang naman talaga ang dahilan, kinikidnap ni koopa ang
kanyang minamahal, si princess toadstool. taenang
koopa yan, ano kayang gusto niya don sa babaeng yon?
di naman niya nirarape.. skwater, nagpapahabol lang
talaga siya kay mario. pero ayon, si mario, ginagawa
ang lahat para lang maligtas ang kanyang minamahal..
kung walang pagmamahal si mario sa katawan niya,
taena, hinayaan na niyang mamatay o marape dati pa si
princess toadstool. tinuruan ako ni mario na ganon
dapat magmahal. kung mayroon kang taong iniibig,
gagawin mo ang lahat, lulusubin mo ang kung ano man
para sa kanya.

may nakukuha ba si mario sa princess pag naliligtas
niya yon? wala. walang pera, walang buhay, walang
extra stage. kiss lang. matapos ang lagpas 20 na
worlds at mga sampung stages bawat world, kiss lang
ang binibigay sa kanya. pero sa tingin niyo ba
nagrereklamo si mario? hindi. kasi ganon ang
pagmamahal, dapat gawin mo ang lahat ng makakaya mo,
at wag kang umasa ng kapalit, wag ka umasa ng bayad.
umibig ka ng parang hindi ka pa umiibig buong buhay
mo, kung magmamahal ka na rin, mahalin mo na ng
lubusan.

si mario ang nagturo sa akin niyan.

2) pag may tiyaga, may nilaga.

si mario ang pinakamatiyagang character na nakita ko.
dadaanan niya ang lahat, kukunin niya ang mga pwedeng
makuha, kakainin niya ang kahit na anong gulay,
sasakyan niya ang kahit na anong dinosaur basta lang
makakatulong ito sa kanya. kung ako si mario, matagal
ko nang hinayaan si princess toadstool at naghanap
nalang ako ng ibang babae. meron naman sigurong ibang
babae sa mundo niya. puta, hasel naman yon kung wala.

nagtiyatiyaga si mario para makakuha ng isang daang
ginto. isang daang ginto para sa isang buhay.
pinagtiyatiyagaan niya ang pagkuha ng 100 lives doon
sa isang stage na kailangan mo ng dalawang pagong.
kung hindi niyo alam yon, kunin niyo nalang yung
salita ko: MATAGAL YON. at hindi lang basta basta
nagagawa. ilang ulet kong ginawa yon para lang makuha
ng tama. pero si mario, kahit ilang ulet,
pagtiyatiyagaan niya, at sa pagtiyatiyaga niyang iyon,
nakakuha siya ng maraming buhay.

3) pinakita niya sa akin ang totoong ibig sabihin ng
brotherhood.

hindi masyadong halata sa game, kasi parati silang
nagsasalit ng pagkakataon maglaro, pero nagpakita si
mario ng matinding sense ng brotherhood. napakita niya
rin na nirerespeto niya ang kanyang kapatid.

kasi ganito ang storya niyan, si mario, kulay blue
talaga dapat ang costume, diba red and blue siya?
dapat pure blue lang yon. kaya lang, si luigi kasi,
sobrang gusto ang green. nagpumilit si luigi na green
dapat ang sa kanya.. hindi nakipagaway si mario, hindi
siya nagpumilit, siya ang nagpalit ng kulay. ngayon,
baket kailangan niyang magpalit? kasi, alam nila ang
ateneo lasalle rivalry, e ayaw ni mario sumalungat,
kaya gin awa nalang niyang red.

ganon niya kamahal ang kanyang kapatid. sinasakripisyo
niya ang gusto niyang kulay para lamang sa ikasasaya
ni luigi.

astig talaga si mario.

4) siya ang dahilan kung baket ako kumakain ng gulay.

ilang beses na akong pinapakain ng gulay ng nanay ko
noong bata pa ako. pero kahit anong gawin niya, ayoko
talaga. nung binigyan niya ako ng family computer at
super mario, dun lang ako nagsimula kumain nggulay. si
mario kasi ang naginspire sa akin.

pag kumakain si mario ng mushrooms, lumalaki siya. pag
kumakain siya ng bulaklak, bumubuga siya ng apoy.
tapos ginagamit niya ito para matalo ang mga kaibigan.
ang galing kasi napasok pa ni mario na ang mga gulay,
importante para matalo natin ang sarili nating mga
"monsters" sa buhay. napasok niya rin ang ideya ng
healthy diet. inam.

5) dapat na maging tao tayo ng mundo.

lahat ng parte ng mundo, napuntahan na ni mario.
bulkan, patag, dagat, bun dok, ulap. parang pinapakita
niya sa atin na dapat maging mas malawak ang alam
natin sa kapaligiran. hindi dahil nasa patag ka, at
komportable ka don, dun ka na parati.. porke taong
bundok ka, hindi ka na lalangoy sa dagat.

sinasabi ni mario na dapat alam natin ang lahat ng
posibleng lugar at maging ok tayo doon. pareho lang
dapat ang pagtalon natin sa bulkan man o sa patag.

matalinhaga ang linya na yan, hindi naman siguro kayo
tanga para hindi makuha yan diba? haha.

6) ang paggamit ng mga bagay sa paligid ay importante
sa sariling paglusong.

ang resourcefulness ng tao. ginagamit ni mario ang mga
bagay sa kanyang kapaligiran para sa sarili niyang
kabutihan. naiisip niya na pwede palang gamiting ang
shell ng pagong para pampatay sa iba pang pagong.
nakita niya na pag nahawakan niya ang bituwin,
magiging imposible siyang tablan ng mga halimaw.

pinagmasdan niya ang kapaligiran at nakita itong
makakatulong sa kanya.

7) ang panghuli, ang paggamit ng utak.

nakita niyo naman na si mario, hindi nakikipagsapakan.
hindi gumagana ang apoy niya sa mga boss. pero
natatalo parin niya ang mga ito.

pano niya nagagawa yon kung wala siyang lakas ng braso
at mga armas?

pinapagana niya ang makinarya sa utak niya. ginagamit
niya ang lahat ng kanyang natutunan at kaalaman.

dito na pumapasok ang lahat ng konsepto. nadadala siya
ng pagmamahal niya sa kanyang princessa. binubuhos
niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa kanyang
mahal. hindi basta bastang namamatay si koopa, kaya
talagang kailangan niya itong pagtiyagaan. kumukuha
rin siya ng lakas ng katawan at isipan sa kanyang
kapatid. inaalala niya ang pagkapula ng suot niya at
naaalala niya ang kanyang pagmamahal kay luigi. ang
pagkain niya ng gulay ang naghahanda sa kanya sa
pagsubok na ito. binibigyan siya ng lakas ng katawan
at tatag ng tuhod. ang pagiging tao ng mundo ay ang
naghasa sa kanya para makaaksyon at makapagisip siya,
kahit sa mga hindi komportableng sitwasyon. at ang
paggamit niya ng bloke sa paligid o ang pagbalik ng
mga tira sa kalaban ay nakikita niya dahil siya ay
magaling magmasid ng kapaligiran.

ang galing talaga ni mario, at hindi dapat ito basta
basta lang kinakalimutan o hinahayaan.

lumipas ang mahigit sa labing tatlong gaming na taon
sa mga taon ko. at sa dami ng mga laro na nalaro ko
na, bumabalik lang lahat ito sa mario.

kaya nakakaasar yung mga bata ngayon e. dahil lang
maganda ang graphics at maraming sumasabog, ayos na.
kaya nga pag may bata akong nakikita tapos parang ewan
yung ginagawa niya, sasabihan ko ng "hoy bata, mag
mario ka muna.." kasi yun talaga ang simula ng lahat.
hindi pacman, hindi bomberman, mario.

si mario ang idol ko. kung hindi dahil sa kanya, ibang
tao ako ngayon, kung wala siya, malamang nawawala na
rin ako, parang mga bata ngayon na walang alam sa mga
ginagawa nila.

1 Comments:

Blogger -=mich=- said...

cool and amusing! keep it up!

June 03, 2008 10:11 AM  

Post a Comment

<< Home